ABS-CBN at TV5 nagkasundong i-terminate ang kanilang investment deal
Inanunsyo ng ABS-CBN Corp. at TV5 Network Inc. na nagkasundo silang o-terminate na ang kanilang investment agreement.
Ayon sa pahayag ng ABS-CBN, nagsumite sila ng disclosure sa Philippine Stock Exchange at sa Securities and Exchange Commission (SEC) hinggil sa termination ng Sale and Purchase Agreement.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, bibili sana ang Cignal Cable ng 38.88 percent equity interest Sky Cable Corporation.
Kasama din sa termination ang Debt Instruments Agreement kung saan ipinanukala ang pagkakaroon ng subscription ng Cignal Cable sa Exchangeable Debt Instrument ng Sky Vision, at ang panukalang pag-acquire ng Cignal Cable sa Convertible Note na inisyu ng Sky Cable.
Ayon sa ABS-CBN, ang termination ng kasunduan ay isinagawa sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement.
Kinumpirma ng dalawang kumpanya na wala anuman sa mga kasunduan ang naipatupad na.
Sa hiwalay na disclosure, sinabi ng ng dalawang network na terminated na din ang Investment Agreement kung saan dapat ay bibili ang ABS-CBN ng 34.99 percent equity interest sa TV5, gayundin ang Convertible Note Agreement hinggil sa planong subscription ng ABS-CBN sa Convertible Note ng TV5.
Una nang pinuna ng National Telecommunications Commission (NTC) at mga mambabatas ang nasabing kasunduan sa pagitan ng dalawang network. (DDC)