Dating Vice President Leni Robredo napabilang sa “Hauser Leaders for the Fall 2022 semester” ng Harvard
Dating Vice President Leni Robredo napabilang sa “Hauser Leaders for the Fall 2022 semester” ng Harvard
Inimbitahan ng Center for Public Leadership ng Harvard Kennedy School si dating Vice President Leni Robredo.
Ito ay makaraang mapabilang si Robredo sa Hauser Leaders for the Fall 2022 semester ng Harvard.
Sinabi ni Robredo na isang karangalan ang maimbitahan at mapasama sa nasabing programa.
Sa ilalim ng Hauser Leaders Program, iniimbitahan ang mga “distinguished leadership practitioners” sa public, non profit at private sectors para makasalamuha ng mga estudyante at faculty ng Harvard.
Kinilala ng Harvard ang mga ginawang pagbabago ni Robredo sa Office of the Vice President mula sa pagkakaroon lamang ng “ceremonial functions” patungo sa pagiging “advocacy centered office”.
Binanggit ng Harvard ang paglulunsad noon ng OVP ng poverty alleviation program na “Angat Buhay” na nakatulong sa daan-daang komunidad sa pangangailangan sa kalusugan, edukasyon, nutrisyon, food security, rural development, women empowerment at pabahay.
Binanggit din ang naging mabilis na pagtugon ng OVP sa ilalim ng pamumuno ni Robredo sa mga kalamidad. (DDC)