Senior citizens, PWDs hindi na exempted sa number coding
Hindi na exempted ang mga senior citizen at PWDs sa ilalim ng pinalawig na number-coding scheme.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inalis na ang exemption sa mga senior citizen at PWDs dahil mayroon namang window hour sa pagpapatupad ng number coding.
Sinabi ni MMDA spokesperson Crisanto Saruca Jr., malaya namang makabibiyahe ang mga sasakyan mula 10:01 ng umaga hanggang bago mag-5:00 ng hapon.
Simula noong August 15, ang number coding ay ipinatutupad ng MMDA mula 7:00AM hanggang 10:00AM at 5:00PM hanggang 8:00PM, Lunes hanggang Biyernes maliban lamang kapag holiday. (DDC)