Telcos inatasan ng NTC na magpadala ng text blast na nagbibigay babala laban sa fake job at iba pang text scam

Telcos inatasan ng NTC na magpadala ng text blast na nagbibigay babala laban sa fake job at iba pang text scam

May panibagong variety ng fake job at iba pang text scam ang kumakalat ngayon at ipinadadala sa mga subscriber.

Ayon sa National telecommunications Commission (NTC) nitong buwan ng Agosto, muling kumalat ang mga text kaugnay sa pekeng trabaho, lucky winner, at iba pang money scams.

Sa latest variant ng text scam, sinabi ng NTC na kasama na sa laman ng mensahe ang pangalan ng recipient.

Dahil dito, inatasan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang mga telecommunications company, kabilang ang DITO Telecom, Globe at Smart na magpadala ng text blast sa kanilang subscriber upang bigyang babala sa mga kumakalat na scam.

Simula August 31 hanggang September 6, iniutos ng NTC ang pagpapadala ng mensaheng “HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAGLALAMAN NG INYONG PANGALAN AT NANG-AALOK NG TRABAHO, PABUYA O PERA. ITO PO AY ISANG SCAM”.

Inatasan din ni Cordoba ang mga telco na tiyakin ang agarang pag-block sa mga SIM cards na ginagamit sa panloloko.

Samantala, inatasan din ng NTC ang lahat ng regional directors at mga officer-in-charge ng ahensya na magpalaganap ng impormasyon hinggil sa panibagong scam.

Ayon kay Cordoba, sa pamamagitan ng mga radyo at telebisyon, dapat ipalaganap ng mga regional directors ng NTC ang impormasyon upang bigyang babala ang publiko hinggil sa panibagong variant ng fake job at text scams.

Ang mga opisyal ng NTC at mga telco ay inatasang magsumite ng compliance report hanggang Sept. 9, 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *