NBA inilabas ang updated COVID-19 protocols para sa 2022-2023 season
Nagpalabas ang NBA ng updated na COVID-19 protocols na ipatutupad nito sa 2022-2023 season.
Ayon sa updated protocols, ang mga manlalaro na hindi bakunado kontra COVID-19 ay sasailalim sa COVID-19 test isang beses kada linggo.
Ang mga bakunado naman ay isasailalim lamang sa test kapag nakitaan ng sintomas.
Kagaya ng dati, ang mga magpopositibo ay agad sasailalim sa isolation.
Hindi na rin ire-require ang pagususot ng face mask.
Kung ang game naman ay gaganapin sa home court ng Toronto Raptors, kailangann pa ring bakunado ang mga manlalaro, o kaya ay may maipapakitang medical exemption.
Ito ay base sa requirement na ipinatutupad ng Canadian government.
Ang regular season ng NBA ay magsisimula sa Oct. 18. (DDC)