MMDA palalakasin ang physical apprehension matapos ang suspensiyon sa pagpapatupad ng NCAP

MMDA palalakasin ang physical apprehension matapos ang suspensiyon sa pagpapatupad ng NCAP

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na paiigtingin nito ang pisikal na panghuhuli at patuloy na magdedeploy ng traffic personnel bilang pagtalima sa inilabas ng Korte Suprema na temporary restraining order (TRO) ukol sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni MMDA Acting Spokesperson at head of Legal Service Atty. Cris Saruca, Jr. na ang on-the-ground apprehension ay patuloy at magkakaroon ng adjustment sa deployment ng traffic enforcers upang masakop ang mga lugar kung saan matatagpuan ang NCAP cameras kabilang na ang EDSA, Commonwealth, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, C-5, at Macapagal Boulevard.

Aniya habang ang NCAP ay nag-ambag ng behavioral shift o pagbabago sa asal ng mga motorista, pagsusumikapan ng MMDA ang lahat ng kanyang magagawa upang gampanan ang mandato nito sa traffic at transport management khit wala ang naturang polisiya.

“Rest assured that the MMDA, through the leadership of Acting Chairman Engineer Carlo Dimayuga III, will do its best to carry out our traffic management mandate by apprehending physically and directing traffic physically, as we await final resolution on the NCAP case,” sabi ni Atty. Saruca.

Idinagdag pa nito na kokonsulta ang MMDA sa Office of the Solicitor General upang hingin ang payo nito para sa susunod nilang aksyon at kung makikialam sa nakabinbin na petisyon kahit na hindi ito respondent sa kaso.

Samantala, ang koleksiyon ng mga multa sa NCAP ay ititigil din para sa mga nahuli ng polisiya matapos lumabas ang TRO kahapon, Agosto 30.

Ang panghuhuli na naganap bago ang TRO ay may kaukulan pa ring penalties.

“The Supreme Court said that the TRO is effective immediately and shall continue until further notice, hence, it is prospective, and those who have been caught through the policy prior to the issuance of the TRO still have to pay their fines,” paliwanag ni Saruca.

Ayon pa sa opisyal, nakapagtala ang MMDA ng tinatayang 107,000 NCAP apprehensions magmula Enero hanggang Agosto,2022. Karaniwan sa mga paglabag ay ang disregarding traffic signs, number coding scheme, at no loading and unloading.

Kahit wala pa ang NCAP, umaasa si Saruca na ang disiplina ay mapananatili ng mga motorista para masiguro ang maayos na daloy ng trapiko at sa kaligtasan ng lahat ng gagamit ng kalsada. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *