Bagyong Gardo napanatili ang lakas; Super Typhoon Hinnamnor papalapit na sa PAR line
Napanatili ng tropical depression Gardo ang lakas nito habang nasa bahagi pa rin ng extreme Northern Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,065 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 70 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong northwest.
Samantala, patuloy na lumalapit sa PAR line ang Super Typhoon Hinnamnor.
Sa 11AM tropical cyclone advisory ng PAGASA, ang bagyong Hinnamnor ay huling namataan sa layong 980 kilometers northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 195 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong 240 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras sa direksyong west southwest.
Ayon sa PAGASA, Miyerkules ng gabi inaasahang papasok sa bansa ang bagyo.
Papangalanan itong “Henry” pagpasok sa PAR. (DDC)