Unang kaso ng pagkasawi na posibleng may kinalaman sa monkeypox naitala sa US
Naitala sa Estados Unidos ang unang kaso ng pagkasawi na maaring may kinalaman sa sakit na monkeypox.
Kinumpirma ng mga otoridad sa Texas na isang pasyente ang pumanaw matapos tamaan ng monkeypox.
Ang pasyente ay inilarawan bilang “severely immunocompromised”.
Ang pasyente ay may edad na at mahina ang immune system.
Sinabi ng Texas health authorities na inaalam pa ang partikular na naging kaugnayan ng monkeypox sa pagkasawi ng pasyente.
Sa US, nakapagtala na ng nasa 18,1000 na kaso ng monkeypox. (DDC)