Pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy ihihinto muna ng MMDA

Pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy ihihinto muna ng MMDA

Hindi muna ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) nito.

Kasunod ito ng ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema na nag-aatas na ihinto ang pagpapatupad ng nasabing programa.

Ayon sa MMDA, napag-alaman nila mula sa SC na sakop sila ng kautusan.

Una nang nilinaw ni Supreme Court Spokesperson Brian Hosaka na sakop ng TRO sa NCAP ang MMDA.

Maliban sa MMDA, ipinahihinto din ng SC ang pagpapatupad ng NCAP ng mga lokal na pamahalaan ng Maynila, Quezon City, Valenzuela City, Paranaque City, at Muntinlupa City.

Nagtakda ang SC ng oral argument sa kaso na gaganapin sa Jan. 24, 2023. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *