Commemorative Coin tampok ang mga OFW bilang bagong bayani, ibinahagi ng BSP
Ibinahagi ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang 5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin nito na tampok ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na itinuturing na bagong bayani ng bansa.
Ito ay bilang pakiisa ng BSP sa pagdiriwang ng National Heroes Day.
Ayon sa BSP, makikita sa harap ng barya ang walong mukha na kumakatawan sa mga manggagawang nangibang bansa, at ang mga pangalan ng bansang may pinakamaraming OFWs.
Sa likod ng barya ay makikita ang karaniwang larawan ng isang pamilya na sama-sama sa paghatid sa kanilang mahal sa buhay patungo sa ibang bansa upang maghanapbuhay.
Unang inilunsad ang nasabing commemorative coin noong 2014.
Ayon sa BSP, sa mga nagnanais na mangolekta o bumili ng mga commemorative coins ay maaring bumisita sa link na https://www.bsp.gov.ph/…/feed…/SitePages/BSPShop.aspx…
Para naman sa karagdagang kaalaman tungkol sa kolesyon ng BSP, bisitahin ang http://www.bit.ly/BSPMuseum (DDC)