Mga guro at estudyante sa kolehiyo na hindi bakunado kontra COVID-19 papayagan nang dumalo sa face-to-face classes
Maaari nang lumahok ng face-to-face classes ang mga guro at mag-aaral sa highwer education institutions (HEIs) kahit walang bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa Commission on Higher (CHED) ang pagbabago sa polisiya ay bilang pagsuporta sa pahayag ng mga health experts.
Sinabi ni CHED Chairman Popoy De Vera na makikipagpulong ito sa mga public at private HEIs para matalakay ang pagbabago sa polisya.
Sa unang guidelines na inilabas ng CHED para sa face-to-face classes sa mga kolehiyo at unibersidad, nakasaad na dapat bakunado kontra COVID-19 ang mga guro at estudyante bago lumahok sa face-to-face classes.
Pero ayon kay De Vera sa nakalipas na pitong buwan mula nang ilatag ang guidelines ay marami na ang naging pagbabago.
Kabilang na dito ang mataas na vaccination coverage sa higher education sector. (DDC)