Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 600 percent

Naitalang kaso ng dengue sa Western Visayas tumaas ng 600 percent

Nakapagtala ng 600 percent na pagtaas sa kaso ng dengue sa Western Visayas.

Sa datos ng Western Visayas Center for Health Development, nakapagtala ng dagdag na 414 na bagong kaso ng dengue sa rehiyon.

Dahil dito, umabot na sa 10,899 ang total cases ng dengue sa Western Visayas mula Jan. 1 hanggang Aug. 20, 2022.

Mas mataas ito ng 600 percent kumpara sa 1,557 cases na naitala sa kaparehong petsa noong 2021.

Ayon sa DOH Western Visayas, 63 na ang kabuuang bilang ng naitalang nasawi sa dengue sa rehiyon dahil sa nasabing sakit.

Narito ang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa mga lalawigan sa rehiyon:

– Negros Occidental (181)
– Iloilo (79)
– Antique (35)
– Capiz (31)
– Bacolod City (27)
– Aklan (27)
– Guimaras (22)
– Iloilo City (12)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *