Panukalang batas na magbibigay ng 1-day menstruation leave para sa mga babae inihain sa Kamara
Naghain ng panukalang batas sa Kamara si Cavite Rep. Jolo Revilla na layong mabigyan ng isang araw na leave ang mga babaeng manggagawa kapag sila ay may buwanang dalaw.
Sa inihaing House Bill No. 518 ni Revilla, ipinanukala nitong magkaroon ng 1-day Sanitary Leave o Menstrual Leave ang mga babaeng empleyado sa private at public sector.
Nakasaad sa panukala na dahil sa mataas na antas ng estrogen, ang mga babae ay nakararanas ng sintomas ng premenstrual tension, kabilang ang constripation, abdominal cramps, aching legs at severe pain.
Sa kabila ng mga sintomas na ito na nararanasan ng mga babae kapag sila ay mayroong buwanang dalaw, walang bayas sa bansa na nagbibigay ng pahinga sa mga babae kapag sila ay mayroong premenstrual o menstrual tension.
Ang mga kumpanyang mapatutunayang lalabag sa nasabing batas maaring mapatawan ng multa na hanggang P100,000 o makulong ng 30 araw hanggang 6 na buwan. (DDC)