Pangulong Marcos makikipagpulong sa Filipino Community sa Singapore
Magtutungo sa Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Sept. 6 at 7 kasunod ng paanyaya ni Singaporean Pres. Halimah Yacob.
Inabisuhan na ng Embahada ng Pilipinas ang mga Filipino sa Singapore na magkakaroon ng pulong ang pangulo sa Filipino Community.
Pinaghahandaan na ng Emabahada ang nasabing aktibidad na isasagawa sa Sept. 6, sa University Cultural Centre Ho Bee Auditorium ng National University Singapore.
Ang auditorium ay magbubukas ng 2:00 ng hapon (2:00 PM) at magsasara ng 5:00 ng hapon (5:00 PM).
Ang pangunahing programa ay magsisimula ng ika-anim ng gabi (6:00 PM).
Binuksan na rin ng embahada ang registration para sa mga Pinoy na nais dumalo sa pulong dahil limitado lamang ang papapasukin sa venue.
Paalala ng embahada, tanging ang mga bakunado kontra COVID-19 na nagparehistro ang makapapasok sa auditorium. (DDC)