Mga tauhan ng Coast Guard sa Central Visayas sumailalim sa Marksmanship Training
Sumailalim sa apat na araw na pagsasanay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Central Visayas.
Ang four-day Marksmanship Training ay idinaos sa Barangay Apas, Cebu City.
Pinangunahan ito ng Special Operation Group – Central Visayas.
Layon ng aktibidad na mas mapaghusay pa ang kakayahan ng mga tauhan ng Coast Guard sa gun safety, gun familiarization at firing gamit ang bagong PCG-issued Galil 5.56mm rifle at Masada 9mm pistol. (DDC)