Positivity rate ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Luzon na nananatiling nasa “very high”
Sa kabila ng pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19, nasa “very high” pa rin ang positivity rate sa ilang lalawigan sa Luzon.
Sa datos mula sa OCTA Research, “very high” ang positivity rate sa Albay, Cagayan, Camarines Sur, Isabela, La Union, Nueva Ecija, at Tarlac.
Halos lahat naman ng lalawigan sa Luzon ay nakapagtala ng pagbaba sa positivity rate.
Sa Bataan, mula sa 10.5 percent positivity rate noong August 20 ay bumaba sa 8.8 percent na lamang noong August 27.
Samantala, sa buong Metro Manila, mula sa 14.6 percent noong August 20 ay bumaba na sa 12.9 percent ang positivity rate noong August 27. (DDC)