Pangulong Marcos pinangunahan ang pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani

Pangulong Marcos pinangunahan ang pagdiriwang ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang aktibidad sa paggunita ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Kasama si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro nag-alayang pangulo ng bulaklak bilang pagkilala sa katapangan at sakripisyo ng mga bayani ng bansa.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay ‘Kabayanihan Tungo sa Pagkakaisa at Pag-unlad.’

Binigyang pagkilala din ng pangulo ang mga makabagong bayani na malaki ang ambag sa bansa kabilang ang mga magsasaka, guro, traders, laborers at mga overseas Filipino workers (OFWs).

Hinikayat ng pangulo ang mga mamamayan na gayahin ang nationalism, determinasyon, moral integrity at tapang ng mga bayani sa nakaraan at mga bayani sa kasalukuyang panahon.

“Sa ating pagdiriwang sa Pambansang Araw ng mga Bayani, patuloy nating alalahanin at isabuhay ang kanilang katapangan, malasakit, at pagmamahal sa ating bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang pagsisikap at sakripisyo sa atin upang makamtan natin ang mas magandang kinabukasan para sa lahat,” ayon sa mensahe ng pangulo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *