Dedikasyon sa pagseserbisyo ng mga guro, kinilala ng DepEd sa pagdiriwang ng National Heroes Day

Dedikasyon sa pagseserbisyo ng mga guro, kinilala ng DepEd sa pagdiriwang ng National Heroes Day

Kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng National Heroes Day binigyang pagkilala at pasasalamat ng Department of Education (DepEd) ang mga bayani sa sektor ng edukasyon.

Kinilala ng Deped ang mga guro at iba pang kawani sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon at paglalaan ng serbisyo higit sa kanilang propesyon para sa kapakanan at pag-abot ng pangarap ng bawat mag-aaral na Pilipino.

Hinikayat din ng Deped ang mga kabataan na gawing inspirasyon ang mga magagandang aral na iniwan ng mga bayani ng bansa.

Sa mensahe ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, sinabi nitong hindi dapat masayang ang mga sakripisyo ng mga bayani kaya dapat protektahan ang integridad ng ating kalayaan at ang interest ng bansa laban sa mga nagnanais tayong pabagsakin at sirain.

Ang dugo aniya ng mga bayani ng bansa ay parehong dugo na nananalaytay sa bawat mamamayang Pilipino na dugong matapang, hindi makasarili at mapagmahal sa bansa.

Ito aniya ang maaaring gamitin para muling maibangon ang bansa mula sa pagkakahati-hati, galit, at hindi pagkakaunawaan, na idinulot ng mga anti-government, at local terror groups. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *