Member data records hindi naapektuhan sa sunog sa main office ng SSS
Ligtas ang mga datos ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos ang sunog sa main office building nito sa Quezon City.
Sa pahayag ng SSS, nagkaroon ng sunog sa UPS Room sa main office building ng SSS madaling araw ng Linggo (Aug. 28).
Mabilis na naapula ang apoy at hidni na kumalat pa sa iba pang tanggapan.
Nagpasalamat ang pamunuan ng SSS sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Quezon City Station 4 sa mabilis na pagresponde.
Tiniyak ng SSS sa mga miyembro nito na lahat ng member data records ay intact at hindi naapektuhan ng sunog.
Tuloy din ang serbisyo ng SSS sa kanilang mga branch at sa online sa pamamagitan ng My.SSS, SSS Mobile App, at uSSSap Tayo portals. (DDC)