Paggamit ng salitang “Filipinas” sa pagtuturo ipinahihinto ng DepEd

Paggamit ng salitang “Filipinas” sa pagtuturo ipinahihinto ng DepEd

Paggamit ng salitang “Filipinas” sa pagtuturo ipinahihinto ng DepEd

Ipinatitigil ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng salitang “Filipinas”.

Ito ay batay sa inilabas na Memorandum Order No. 47ng DepEd.

Sa memorandum ng DepEd inuutos sa mga opisyal ng kagawaran at sa mga pampubliko at pribadong paaralan na ibalik ang paggamit ng “Pilipinas” sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.

Ayon sa DepEd, ang opisyal na pangalan ng ating bansa ay Pilipinas at hindi Filipinas.

Nilinaw naman ng DepEd na hindi na kailangang baguhin ang mga nakaimprenta nang aklat, self-learning module at iba pang gamit sa pagtuturo.

Inilakip sa memorandum ng DepEd ang kapasiyahan ng Komisyon ng Wikang Fililpino para magamit na batayan sa mga paaralan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *