Suplay ng asin sa bansa, sapat ayon sa DTI
Ginarantiya ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng asin sa kabila na inaprubahan ang pagtaas ng presyo nito.
Ayon sa inilabas na impormasyon ng Office of the Press Secretary, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na walang shortage o kakapusan dahil may apat na malalaking pagawaan ng asin sa bansa at marami ring imported salt.
Pinayagan ng DTI ang salt price hike dahil hindi na nabago ang presyo nito sa loob ng anim na taon.
“Itong mga manufacturers na ito ay sobrang tagal na na hindi nagtataas ng presyo. Parang umabot na ng four, five, six years bago sila nag-request ulit. So sa computations natin, talaga namang dapat lang na itaas natin ang presyo,” pahayag ng DTI Undersecretary.
Ang suggested retail price o SRP sa iodized rock salt ay itinakda sa P21.75 para sa 500 grams at P23 sa 1kg. (Bhelle Gamboa)