Mga pekeng video, larawan at impormasyon na ipinakakalat sa social media masusing babantayan ng PNP

Mga pekeng video, larawan at impormasyon na ipinakakalat sa social media masusing babantayan ng PNP

Mas paiigtingin ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP)ACG) ang cyber patrolling nito para matukoy kung lehitimo ang mga ipinakakalat na insidente ng krimen online.

Pahayag ito ni ACG chief Brig. Gen. Joel Doria hinggil sa kumakalat na video ng isang babae na umiiyak at sinasabing siya ay biktima ng attempted rape.

Ayon kay Doria, kailangang masuring mabuti kung lehitimo ang video at mga larawan na ipinakakalat sa social media.

May mga pagkakataon kasi aniya na recycled o ‘di kaya ay edited ang mga ibinabahaging larawan at video sa online para makaakit ng mas maraming followers.

Inatasan din ni Doria ang lahat ng ACG units na siguruhing agad mapapa-take down ang mga pekeng video para hindi na magdulot pa ng takot sa publiko. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *