MMDA nagdeploy ng 9 sasakyan para sa Libreng Sakay sa Commonwealth
Pinaigting pa ngayong Biyernes, Agosto 26 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanyang libreng sakay sa Commonwealth Avenue, Quezon City upang maserbisyuhan ang mas maraming pasahero lalo na ang mga estudyante na nagbabalik sa face-to-face classes.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Engineer Carlo Dimayuga III na nagdeploy ang ahensya ng pitong bus at dalawang military trucks para isakay ng libre ang commuters na magmumula sa Doña Carmen to Welcome Rotonda.
“The libreng sakay program in Commonwealth is expected to benefit 500 to 600 passengers per day and we are mulling to continue it until December this year,” ayon sa MMDA chief.
Ang free rides ay mula alas-6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga at ala-1:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi,l ng Lunes hanggang Biyernes.
Dumalo sa aktibidad si Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpaabot ng pasasalamat sa programang libreng sakay ng MMDA na aniya’y malaking tulong sa mga estudyante na nagcocommute araw-araw.
“I am very happy that transportation agencies are working hand in hand with the local government in easing the burden of the commuting public,” sabi ni Belmonte.
Inihayag din ni Dimayuga na pinatawan ng MMDA ang private contractor ng MRT-7 project construction westbound sa Commonwealth Avenue, partikular sa Commonwealth Market, matapos magdulot ng gridlock sa lugar ang girder launch kahapon.
Samantala, pinangunahan ni Dimayuga ang pamamahagi ng tinatayang 2,000 na health kits sa mga estudyante ng Batasan High School bilang bahagi ng inisyatibo ng MMDA para sa balik-eskwela. Naglalaman ang bawat kit ng vitamins, alcohol, face mask, thermometer, mouth wash, at paracetamol.
Nagbigay din ng signages ukol sa hygiene at COVID-19 protocols sa school administrators upang magsilbing paalaala sa mga estudyante na kasalukuyan pa ring nananatili ang virus at dapat na tumalima sa minimum health standards. (Bhelle Gamboa)