Lockdown hindi pa kailangan sa kabila ng pagkakaroon ng ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa
Hindi irerekomenda ng Department of Health (DOH) ang pagpapatupad ng lockdown matapos makapagtala ng ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa.
Ang nasabing pasyente ay walang history ng pagbiyahe aa mga bansang apektado ng monkeypox at wala ding kaugnayan sa unang tatlong kaso ng monkeypox na naitala sa bansa.
Sa kabila nito sinabi ng DOH na hindi pa kumpirmadong mayroon ng local transmission ng monkeypox sa Pilipinas.
Ayon sa DOH ang ikaapat na pasyente ng monkeypox na naninirahan sa Iloilo ay naka-quarantine na, maging ang mga tukoy na close contacts nito.
Tiniyak ng kagawaran na ginagawa ang mga karampatang hakbang para maiwasan ang paglaganap pa ng sakit
Iginiit ng DOH na ang pag-beripika sa mga impormasyon ng mga naitatalang kaso ay krusyal kaya hindi magiging ganoon kabilis makumpirma ang source o pinagmulan ng impeksyon. (DDC)