Higit 300 pamilya na nasa evacuation center sa Pasay, inayudahan

Higit 300 pamilya na nasa evacuation center sa Pasay, inayudahan

Agad inayudahan nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo at Mayor Emi Calixto- Rubiano ang mahigit 300 na pamilyang nabiktima ng sunog at

nanunuluyan ngayon sa evacuation center sa Barangay 144, Pasay City, kaninang umaga ng Huwebes, Agosto 25.

Personal na inalam at kinumusta nina Sec. Tulfo at Mayor Rubiano ang kalagayan ng mga nasabing pamilya na nasunugan nitong Miyerkules, Agosto 24 dakong alas-10:00 ng gabi.

Namahagi ang DSWD ng family food packs at tig-P5,000 na cash assistance sa mga biktima.

Kasama ng kalihim sa pagbisita sina DSWD Field Office National Capital Region (FO NCR) Regional Director (RD) Monina Josefina H. Romualdez at DSWD Undersecretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Marco M. Bautista. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *