NCRPO S.A.F.E program inilunsad

NCRPO S.A.F.E program inilunsad

Pormal na inilunsad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang NCRPO S.A.F.E ( Seen, Appreciated,Felt and Extraordinary) program kasabay ng send off ceremony ng TMRU (Tactical Motorcycle Riders Unit) Night Patrollers, na isinagawa sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, kaninang umaga ng Huwebes, Agosto 25.

Personal na pinangunahan ni NCRPO Acting Regional Director, Brigadier General Jonnel C. Estomo ang pagsasakatuparan ng “𝐎𝐏𝐋𝐀𝐍 𝐒.𝐀.𝐅.𝐄. 𝐍𝐂𝐑𝐏𝐎”.

Layunin ng nasabing programa nang pagtatalaga ng karagdagang puwersa ng mga pulis sa lansangan na magseserbisyo sa loob ng 24-oras sa buong Metro Manila.

Nais din ng NCRPO na masiguro ang kaligtasan ng publiko, at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bawat komunidad.

Bukod pa rito, bibigyan din ng kasiguraduhan ang seguridad ng mga estudyante lalo na ngayong balik eskwela na ang mga ito para sa face to face classes na ipinatutupad ng Department of Education (DepEd).

Sa naturang aktibidad, nakiisa ang lahat ng distrito ng NCRPO at ng RMFB ( Regional Mobile Force Battalion) na pinamumunuan ni Force Commander, Colonel Jonathan G. Calixto. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *