3 patay, 4 sugatan sa pananalasa ng bagyong Florita sa bansa

3 patay, 4 sugatan sa pananalasa ng bagyong Florita sa bansa

Nakapagtala na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng tatlong nasawi at apat na nasugatan dahil sa pananalasa ng bagyong Florita.

Sa datos mula sa NDRRMC, umakyat na sa 11,953 na pamilya o katumbas ng 47,169 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Umabot sa 10,355 na katao ang kinailangang ilikas. 6,623 sa kanila ang dinala sa mga evacuation centers, habang ang iba ay nakipisan pansamantala sa mga kaanak o kaibigan.

Umabot sa 44 na kalsada at 14 na tulay ang napinsala din ng bagyo.

Ayon sa NDRRMC, nakapaglaan na ng mahigit P4.8 million na halaga ng tulong ang DSWD at ang lokal na pamahalaan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *