400 pamilya na biktima ng Typhoon Odette sa Southern Leyte tumanggap ng cash aid at GI sheets mula sa Red Cross
Mayroong 400 na pamilya sa Southern Leyte ang tumanggap ng tulong pinansyal at mga gamit mula sa Philippine Red Cross (PRC).
Pinangunahan ni Red Cross Chairman Dick Gordon ang pamamahagi ng Cash & Emergency Shelter Assistance sa mga pamilya naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.
Mahigit 400 pamilya ang mula sa mga bayan ng San Francisco at Pintuyan ang nakatanggap ng tulong-pinansyal at shelter assistance.
Bawat pamilya ay pinagklaooban ng P5,000, CGI (corrugated galvanized iron) sheets, at shelter tool kits.
Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 6,000 Odette-affected families sa Southern Leyte ang nakatanggap ng cash at emergency shelter assistance mula sa Red Cross. (DDC)