Mahigit 1,300 na nanay lumahok sa aktibidad para sa Sabayang Pagpapasuso sa Bicol

Mahigit 1,300 na nanay lumahok sa aktibidad para sa Sabayang Pagpapasuso sa Bicol

Nakiisa ang mahigit 1,300 ina sa aktibidad na idinaos sa Bicol bilang bahagi ng paggunita ng National Breastfeeding Awareness Month.

Idinaos ng Bicol Center for Health Development ang 3rd Baby, Momma, and Family Fair sa Ayala Malls, Legazpi.

Sa nasabing aktibidad, binigyang diin ang kahalagahan ng pagpapasuso gayundin ang pagtanggap ng bakuna kontra COVID-19 para maprotektahan ang pamilya.

Ayon kay Dr. Ernie V. Vera, Regional Director ng DOH Bicol CHD, ang breastfeeding ay mahalaga para matiyak ang tamang growth at development ng mga bata.

Umabot sa 1,311 na ina ang lumahok sa sabayang pagpapasuso.

Sinundan ito ng cooking demonstration ng mga Breastfeeding Bicolanas showcasing kung saan itinuro ang paghahanda ng mga pagkain na makatutulong sa mga breastfeeding mothers.

Bahagi din ng aktibidad ang paglulunsad ng PinasLakas Campaign sa nasabing mall. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *