Walk-ins hindi na papayagan sa pagkuha ng cash aid ng DSWD para sa mga estudyante
Hindi na tatanggap ng walk-ins ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi nito ng financial assistance sa mga indigent students.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ang mga nais na makatanggap ng assistance ay maaring magparehistro sa https://bit.ly/3dB9mSg o magpadala ng email sa ciu.co@dswd.gov.ph.
Maari ding bisitahin ang website ng DSWD at social media accounts para sa iba pang mga detalye.
Ayon kay Tulfo ang aplikante ay makatatanggap ng text message mula sa DSWD para malaman kung kailan sila dapat magtungo sa payout sites.
Gagawin ding alphabetical ang pagpapapunta sa mga benepisyaryo. (DDC)