Anim na tauhan ng Customs sinibak dahil sa isyu ng smuggling ng asukal

Anim na tauhan ng Customs sinibak dahil sa isyu ng smuggling ng asukal

Kinumpirma ng Malakanyang na anim na tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang sinibak sa puwesto dahil sa umano ay pagkakasangkot sa smuggling ng asukal sa Port of Subic.

Sa press conference sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na inilipat ang anim sa Office of the Commissioner habang iniimbestigahan pa ang insidente.

Ayon kay Angeles, tinangkang ipuslit ang nasa 140,000 na sako ng asukal galing Thailand noong nakaraang linggo sa Port of Subic.

Sa inisyal na imbestigasyon, natuklasang gumamit ng recycled permit para sa pag-aangkat ng asukal.

Sa hiwalay na pahayag, kinumpirma ni Customs Acting Commissioner Yogi Filemon ang pagsibak sa sumusunod na mga tauhan:

– Maritess Theodossis Martin, district collector
– Maita Sering Acevedo, deputy collector for assessment
– Giovanni Ferdinand Aguillon Leynes, deputy collector for operations
– Belinda Fernando Lim, chief of assessment division
– Vincent Mark Solamin Malasmas, Enforcement Security Service (ESS) commander
– Justin Roman Silvoza Geli, CISS supervisor (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *