Bagyong Florita nakalabas na ng bansa; Habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Nasa labas na ng bansa ang bagyong Florita, subalit ilang lugar sa bansa ang makararanas pa rin ng pag-ulan ngayong araw.
Ayon sa PAGASA apektado ng Habagat ang malaking bahagi ng bansa.
Dahil sa Habagat, makararanas ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Bataan, Zambales, Oriental Mindoro at Occidental Mindoro.
Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon.
Sa Ilocos Region at Cordillera Administrative Region, may mga pag-ulan pa rin at malakas na hangin dahil sa epekto ng bagyo. (DDC)