BREAKING: Pasok sa public schools at govt. offices sa NCR at mga kalapit na lalawigan suspendido hanggang bukas
Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng klase sa mga mga public schools (all levels) at pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan dahil sa epekto ng bagyong Florita.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, wala nang pasok sa NCR, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan ngayong araw August 23 at bukas, August 24.
Ito ay base sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa nasabig rekomendasyon, ang pagsuspinde ng pasok sa mga pribadong paaralan at private companies ay ipinauubaya na sa kani-kanilang pamunuan.
Mananatili namang may pasok ang mga empleyado ng gobyerno na ang trabaho ay may kaugnayan sa emergency services. (DDC)