Mahigit 500 katao sa Region 2 at CAR inilikas dahil sa epekto ng bagyong Florita
Mayroon nang mahigit 500 indibidwal ang inilikas sa dalawang rehiyon na apektado ng bagyong Florita.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagpatupad ng pre-emptive evacuation sa ilang bahagi ng Region 2 at Cordillera Administrative Region.
Nasa 180 na pamilya o katumbas ng 543 na katao ang inilikas.
May ilang mga lansangan na rin at tulay sa Region 2, Region 5 at CAR ang isinara dahil sa epekto ng bagyo.
Habang nakapagtala naman ng 25 domestic flighs na nakansela dahil sa sama ng panahon. (DDC)