Bagyong Florita lumakas pa, nag-landfall na sa Maconacon, Isabela
Tumama na sa kalupaan ng Maconacon, Isabela ang Severe Tropical Storm Florita ganap na 10:30 ng umaga ngayong Martes, Aug. 23.
Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa karagatan ng Maconacon.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong North northwestward.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 sa sumusunod na mga lugar:
– The northern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Dumalneg, Adams, Bangui, Burgos)
– Apayao
– southern portion of Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
– mainland Cagayan
– northeastern portion of Isabela (Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Ilagan City, San Mariano)
Signal number 2 naman ang nakataas sa:
– nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
– nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino
– northern and eastern portion of Nueva Vizcaya (Quezon, Diadi, Bagabag, Villaverde, Solano, Kasibu)
– Abra
– Kalinga
– Mountain Province
– Ifugao
– northern portion of Benguet (Buguias, Bakun, Mankayan, Kibungan)
– rest of Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao)
Habang Signal number 1 naman sa:
– Batanes
– nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, – nalalabing bahagi ng Benguet
– La Union
– eastern portion of Pangasinan (Santo Tomas, Villasis, Mapandan, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Manaoag, City of Urdaneta, Rosales, Balungao, Umingan, San Quintin, Natividad, San Nicolas, Tayug, Santa Maria, Asingan, San Manuel, Binalonan, Sison, Pozorrubio, Laoac, Dagupan City)
– northeastern portion of Tarlac (San Manuel, Anao)
– Nueva Ecija
– nalalabing bahagi ng Aurora
Ngayong araw ay makararanas ng heavy to intense at kung minsan ay torrential rains sa Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, at Bataan.
Katamtaman hanggang malakas at kung minsan ay intense rains sa northern portion of Aurora, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.
Habang mahina hanggang katatamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Camarines Norte, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.
Ayon sa PAGASA posibleng bukas ng umaga ay lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo. (DDC)