Pangulong Marcos iniutos ang maayos na pamimigay ng cash aid sa mga mag-aaral

Pangulong Marcos iniutos ang maayos na pamimigay ng cash aid sa mga mag-aaral

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing mas maayos ang sistema ng pamamahagi ng cash assistance sa mga mag-aaral.

Ito ay makaraang dumagsa sa mga tanggapan ng DSWD ang libu-libong mag-aaral at kanilang magulang noong Sabado para kumuha ng ayuda.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nais ni Marcos na siguruhin ang maayos at mabilis na payout ng educational assistance para sa students-in-crisis na bahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sinabi ni Angeles na naka-monitor ang pangulo sa proseso ng pamamahagi ng tulong sa mga mag-aaral.

Una nang sinabi ni DSWD Sec. Erwin Tulfo na mas magiging maayos na ang sistema ng pamimigay ng cash aid sa mga susunod na Sabado.

Nakipag-ugnayan na aniya ang DSWD sa Department of the Interior and Local Government para makatuwang ng DSWD ang mga LGU sa pamamahagi ng tulong. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *