Libreng Tawag, Libreng WiFi inihahanda na ng PLDT at Smart sa mga lugar na apektado ng bagyong Florita
Inihanda na ng PLDT at SMart ang kanilang mga tauhan at mission-critical equipment sa North Luzon na apektado ng severe tropical storm Florita.
Sa abiso ng PLDT, katuwang ang kanilang wireless unit na Smart Communications ay nakahanda na kung sakaling kakailanganin ng deployment ng kanilang mga tauhan sa mga lugar na maaapektuhan ang network.
Naka-standby na rin ang libreng tawag, libreng WiFi at libreng charging ng PLDT group sakaling makaranaw ng network problem at brownout sa mga lugar na apektao ng bagyo.
Ayon sa PLDT, para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan, ide-deploy ang mga ito sa sandaling makadaan na ang bagyo.
“We urge everyone to take necessary precautions and heed the alerts and warnings of local governments and disaster response authorities,” ayon sa abiso ng PLDT. (DDC)