Ikaapat na kaso ng monkeypox naitala sa bansa – DOH

Ikaapat na kaso ng monkeypox naitala sa bansa – DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na ng ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Ayon sa DOH, ang 25 anyos na pasyente ay isang Filipino national ay walang history ng pagbiyahe sa mga bansang may kaso ng monkeypox.

Isinailalim sa test ang pasyente at nagkumpirmang tinamaan ito ng monkeypox sa pamamagitan ng real time Polymerase Chain Reaction o PCR na ginawa sa DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Nakasailalim ito sa quarantine sa isang isolation facility.

Agad nagsagawa ng case investigation at contact tracing ang DOH.

Sa labingapat na close contacts ng pasyente, isa ang nadala na sa isolation facility at ang anim ay sumasailalim na din sa quarantine.

Ang unang kaso ng monkeypox sa bansa ay gumaling na at natapos na ang quarantine noong August 6, 2022.

Habang ang second at third cases ay sumasailalim pa sa home isolation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *