Coast Guard buses nagbigay ng libreng sakay sa pagsisimula ng klase ngayong araw
Coast Guard buses nagbigay ng libreng sakay sa pagsisimula ng klase ngayong araw
Nagbigay ng libreng sakay para sa mga mag-aaral ang Philippine Coast Guard (PCG) ngayong unang araw ng klase.
Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu, dalawa hanggang tatlong Coast Guard buses ang itinalaga ng PCG.
Nagsimula ang deployment 6:00 ng umaga para maserbisyuhan ang mga estudyante sa Quezon City at Maynila.
Mula sa Quezon City Hall, bumiyahe ang mga Coast Guard buses para magsakay ng mga pasahero papuntang University Belt.
Umikot din ang mga sasakyan sa Lunesta Park bago bumalik sa Quezon City.
Ayon kay Abu tulong ito ng PCG sa mga estudyante sa pagsisimula ng School Year 2022-2023.
Pinaalalahanan ang mga estudyanteng sasakay ng Coast Guard buses na panatiliin ang pagsusuot ng face mask at laging magdala ng alcohol para maprotektahan ang kanilang sarili sa banta ng COVID-19. (DDC)