Mahigit 27 milyon na mag-aaral balik-eskwela ngayong araw

Mahigit 27 milyon na mag-aaral balik-eskwela ngayong araw

Pormal nang nagsimula ang klase para sa School Year 2022-2023 ngayong araw ng Lunes, August 22.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Education ay mayroong mahigit 27.6 million na mga mag-aaral sa public at private schools ang nakapag-enroll na ngayong taon.

Target ng DepEd na aabot sa 28.6 million ang magiging bilang ng mga mag-aaral ngayong School Year.

Tuloy pa ang enrollment hanggang ngayong araw.

Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, sa pagsisimula ng klase ngayong araw, 24,765 na private at public schools sa buong bansa o 46 percent ang magpapatupad na ng face-to-face classes sa loob ng limang araw.

Habang 29,721 naman na paaralan o 51.8 percent ang magpapatupad ng blended learning modality. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *