Dalawa pang kaso ng monkeypox naitala sa bansa

Dalawa pang kaso ng monkeypox naitala sa bansa

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroong naitalang dalawa pang kaso ng monkeypox sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa tatlo ang naitatalang kaso ng nasabing sakit sa Pilipinas.

Ayon kay DOH officer in charge, Maria Rosario Vergeire, ang Case No. 2 ay isang 34 anyos na mayroong travel history sa mga bansang may kumpirmadong kaso ng monkeypox.

Lumabas ang positibong resulta nito noong August 18, 2022.

Kasalukuyang sumasailalim sa home isolation ang pasyente at nagsasagawa na ng contact tracing ang DOH sa mga nakasalamuha niya.

Ang Case No. 3 naman ay isang 29 anyos na may travel history din sa isang bansa na apektado ng monkeypox.

Ngayong araw lamang August 19, lumabas ang positive na resulta ng kaniyang test.

Naka-isolate ito sa isang health facility.

Natukoy na ng DOH ang 17 close contacts nito.

Samantala, ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa ay naka-recover na at nakatapos na ng isolation noong August 6.

Nakakumpleto na din ng quarantine ang lahat ng sampung contacts ng pasyente. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *