Public school teachers makatatanggap ng P5,000 na cash aid sa pagbubukas ng klase

Public school teachers makatatanggap ng P5,000 na cash aid sa pagbubukas ng klase

Makatatanggap ng P5,000 cash aid ang mga public school teachers sa unang araw ng klase sa School Year 2022-2023.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, sa August 22, 2022 matatanggap ng mga guro ang financial assistance.

Ang nasabing cash aid ay hiwalay pa aniya sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na ibinibigay sa mga guro.

Kabuuang P3.7 billion na halaga ng supplemental MOOE ang inilaan para sa mga guro na layong maihanda sila sa pagbubukas ng klase.

Ang nasabing halaga ay gagamitin ng mga guro para maipambili ng mga gamit gaya ng chalk at iba pang pangangailangan ng mga guro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *