Ilegal na pagbebenta ng wild ducks sa pamamagitan ng Facebook, natuklasan ng PNP

Ilegal na pagbebenta ng wild ducks sa pamamagitan ng Facebook, natuklasan ng PNP

Naharang ng mga tauhan ng Philippine National Police – Maritime Group ang nakatakdang pagbenta sa siyam na wild ducks sa Bataan.

Ikinasa ng mga tauhan ng Bataan Maritime Police Station ang operasyon laban sa isang illegal wildlife trader na nakikipagtransaksyon sa kaniyang buyers sa pamamagitan ng Facebook.

Nagsagawa muna ng cyber patrol ang mga otoridad at doon natukoy ang Facebook account ng isang Pesa Ruz Jerson na nagbebeta ng wild duck o tinatawag ding “mallard”.

Sa halagang P6,300 ay nakipagkasundo ang supsek sa poseur buyer para sa pagbebenta ng siyam na wild ducks.

Pagdating ng mga operatiba sa napagkasunduang lugar sa San Fernando City, Pampanga ay doon na inaresto ang suspek.

Kinilala ang naarestong suspek na si Arjay Villaluz, 29 anyos na taga-Brgy. Digmala, Bongabon, Nueva Ecija.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Conservation and Protection Act.

Ang mga nailigtas na wild ducks ay dinala na sa DENR PENRO Pampanga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *