Senators JV Ejercito, Nancy Binay nagpositibo sa COVID-19
Kapwa nagpositibo sa COVID-19 sina Senators JV Ejercito at Nancy Binay.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Ejercito na kahapon ng umaga ay sumailalim siya sa RT PCR Test at kagabi niya natanggap via e-mail ang resulta na nagpapakitang positibo siya sa COVID-19.
Sinabi ni Ejercito na wala naman siyang nararanasang sintomas.
Samantala, kinumpirma din ni Sen. Binay na nagpositibo siya sa COVID-19.
Sinabi ni Binay na nakasailalim siya ngayon sa home quarantine.
Mula nang mag-umpisa ang 19th Congress umabot na sa pitong senador ang nagpositibo sa sakit. (DDC)