MRT-3 kinakapos sa suplay ng Beep Card
Kinumpirma ng pamunuan ng MRT-3 na nakararanas ito ng kakapusan sa suplay ng Stored Value Card o Beed Card na ginagamit ng mga pasahero ng MRT-3, LRT-1 at LRT-2.
Sa abiso ng MRT-3, humingi ito ng ng pang-unawa sa mga pasahero hinggil sa dinaranas na kakulangan ng Stored Value Card.
Ayon sa MRT-3, naghahanap na ng ibang mapagkukunan ng supply ng Beep Cards ang AF Payments Inc. (AFPI) makaraang magkaproblema sa paggawa ng electronic chips na nakapaloob sa mga Beep Cards.
Pinapayuhan ng MRT-3 ang mga pasaherong may hawak na Beep Cards na ingatan ang mga ito.
Maaari pa rin namang makabili ng Single Journey Ticket sa mga ticket booths at mga Ticket Vending Machines sa piling istasyon ng tren. (DDC)