Cargo Vessel na nagdiskarga ng sako-sakong asukal sa Subic, hinarang Customs

Cargo Vessel na nagdiskarga ng sako-sakong asukal sa Subic, hinarang Customs

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang cargo na nagbaba ng sako-sakong asukal sa Subic galing Thailand.

Lulan ng MV Bangpakaew ang 7,000 metric tons o 140,000 na sako ng asukal.

Batay sa report na natanggap ni Exec. Sec. Vic Rodriguez mula kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, “recycled” ang import documents na iprinisenta ng mga crew ng barko.

Iniimbestigahan na ng BOC ang mga crew ng barko.

Ang operasyon ay alinsunod sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na pag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura kagaya ng asukal.

Kahapon ay nag-inspeksyon din ang BOC sa mga bodega ng lokal at imported na mga asukal sa Pampanga at Bulacan.

Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ang sako-sakong mga asukal na mula sa Thailand, pati na rin ang mga sako ng harina at corn starch na galing naman sa Tsina. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *