Bagong pasilidad itatayo ng DPWH sa UPLB

Bagong pasilidad itatayo ng DPWH sa UPLB

Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng bagong pasilidad sa University of the Philippines Los BaƱos (UPLB) campus sa Laguna.

Idinaos ng DPWH ang groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng kontruksyon sa apat na bagong pasilidad.

Ayon kay DPWH Region 4A Director Jovel G. Mendoza kabilang sa itatayo ang 5-storey food processing research and development center, 2-storey agricultural and economic development studies center, 2-storey microbial bank para sa BIOTECH Philippine National Collection of Microorganisms.

Sasailalim naman sa rehabilitasyon ang University Health Services Operating Room Complex.

Ayon sa DPWH, aabot sa P485 million ang inilaang pondo para sa konstruksyon ng mga bagong pasilidad. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *