Mayor Biazon ng Muntinlupa hindi lumagda sa joint statement ukol sa NCAP

Mayor Biazon ng Muntinlupa hindi lumagda sa joint statement ukol sa NCAP

Ipinaliwanag ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang hindi nito paglagda sa Joint Statement kaugnay ng No Contact Apprehension Program (NCAP) dahil wala pang implementasyon nito sa lungsod bagaman may pinasa ng ordinansa at kontrata para dito noong nakaraang administrasyon at tinatapos pa lamang ang pag-aaral sa Implementing Rules and Regulations.

Sinabi pa ni Biazon na nakikiisa siya layunin ng mga alkalde ng Manila, Valenzuela, Parañaque, Quezon City at San Juan na gumamit ng teknolohiya para mabigyan ng makabagong solusyon ang problema sa trapiko.

Tiwala rin siya na ang makabagong paraan na ito, bukod sa magbibigay solusyon sa pagdidisiplina sa mga gumagamit ng kalsada, mababawasan, kundi tuluyang matatanggal, ang pagkakataon ng pangongotong at makakadagdag sa revenue ng lokal na pamahalaan,”dagdag pa nito.

Binigyang-diin nito na ang mga Local Government Units (LGU) ay may kapangyarihan sa ilalim ng RA 7160 o Local Government Code na mag regulate ng paggamit ng mga kalsada at gumawa ng paraan para makalikom ng pondo.

“Habang sinusuri pa ang implementation natin ng NCAP sa Muntinlupa City, idadagdag natin ang mga argumento, points of view at legal opinions na lumalabas dulot ng kontrobersya ngayon sa ating pag-aaral tungo sa isang mas balansyado, patas, makatarungan at tapat na programa,” pagtatapos nito. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *