Mahigit 40,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan

Mahigit 40,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan habang papalapit ang pagsisimula ng klase sa Lunes, August 22.

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga pantalan ay binuhay ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Oplan Balik Eskwela nito.

Sa ilalim ng nasabing programa, masusing babantayan ang mga pantalan sa bansa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong bibiyahe dahil sa nalalapit na pasukan.

Ngayong umaga ng Huwebes (Aug. 18) sinabi ng Coast Guard na umabot sa mahigit 40,000 ang naitalang outbound at inbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Kabilang dito ang 20,445na outbound passengers at 20,265 na inbound passengers.

Mayroong 2,438 na tauhan ang Coast Guard na ipinakalat sa mga pantalan sa bansa.

Nakapagsagawa sila ng inspeksyon sa 203 na mga barko at 209 na motorbancas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *