DOTr Sec. Bautista inalam ang kahandaan ng PNR sa pagsisimula ng klase

DOTr Sec. Bautista inalam ang kahandaan ng PNR sa pagsisimula ng klase

Nag-inspeksyon si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Baustita sa Philippine National Railways (PNR) Tutuban Station.

Bago ang inspeksyon ay pinangunahan muna ni Bautista ang PNR board meeting.

Pagkatapos ng meeting ay nagtungo na si Bautista sa Tutuban Station.

Isinagawa ang inspeksyon upang malaman ang kalagayan at kondisyon ng istasyon, lalo’t nasa University Belt ito at magbabalik-eskuwela na ang mga estudyante sa Lunes, Aug. 22.

Kasama din ang Tutuban Station sa magiging major transit stop para mabigyang buhay at maisakatuparan ang North-South Commuter Railway (NSCR) Project.

Ang NSCR ay ang 147 kilometrong riles ng tren na mag-uugnay sa Metro Manila sa Pampanga at sa Laguna.

Ang proyektong ito magkatuwang na isinasagawa ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR). (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *